KASULATAN NG SANGLA-TIRA
Ang KASULATANG ito ay pinagkasunduan at isinagawa sa pagitan nina:
JUAN SANTOS, nasa hustong gulang, may-asawa at nakatira sa No. 17 Acacia Street, Pembo, Makati City na sa kasulatang ito ay tinaguriang NAGSANGLA;
at
PEDRO CRUZ, nasa hustong gulang, may asawa, at nakatira sa No. 20 Acacia Street, Pembo, Makati City na sa kasulatang ito ay tinaguriang PINAGSANGLAAN;
NAGPAPATUNAY
Na ang NAGSANGLA ay humiram sa PINAGSANGLAAN ng halagang DALAWANGDAAN LIBONG PISO (Php200,000.00) na tinanggap at sumakamay ng NAGSANGLA ngayong ika-4 ng Nobyembre 2021 na pinapatunayan ng kanyang lagda dito. Ang nasabing pagkakautang ay babayaran pagkatapos ng isang taon o sa ika-4 ng Nobyembre 2022.
Bilang panagot sa nasabing pagkakautang, isinasangla ng NAGSANGLA ang isang apartment unit na sarili niyang pag-aari na matatagpuan sa No. 11 Acacia Street, Pembo, Makati City.
Ang nasabing apartment ay tunay na pagmamay-ari ng NAGSANGLA at walang ibang utang o sanlang pinanagutan.
Sakaling mabayaran ng NAGSANGLA ang nasabing pagkakautang sa itinakdang panahon, ang kasulatang ito ay mawawalan ng bisa at saysay. Subalit kung hindi naman niya ito magawang bayaran, ang Kasulatang ito ay iiral at ipapatupad sa kaparaanang itinatakda ng batas.
Maaaring i-renew ang kasulatang ito ng naaayon sa mapagkasunduan ng NAGSANGLA AT PINAGSANGLAAN.
SA KATUNAYAN NG LAHAT, ang magkabilang panig ay lumagda sa kasulatang ito ngayong ika-4 ng Nobyembre 2021 sa Lungsod ng Makati.
Name | Identification Card | Issued on/at |
---|---|---|
Juan Santos | SSS I.D. No. 123 | 1-1-21/Makati |
Pedro Cruz | SSS I.D. No. 456 | 1-1-21/Makati |
Maria Luna | SSS I.D. No. 789 | 1-1-21/Makati |
Juan Tamad | SSS I.D. No. 101 | 1-1-21/Makati |
all known to me to be the same persons who executed the foregoing instrument and hereby acknowledged to me that the same is their free and voluntary act and deed.
Page No. ____
Book No. ____
Series of 2021.
5 Comment
-
Unknown July 18, 2020 at 6:37 PM Pano po ang pag gawa ng kasunduan sa renewal contract ng sangla tira -
Unknown November 10, 2020 at 6:47 PM paano po kung halimbawa dalawang taon ang kasunduan at natapos ang 2taon di pa natubos ng ng sangla... may karapatan pa pp ba xa dun sa bahay, ang dahilan po kc my matinding karamdaman ung ngsangla kaya d agad natubos.... may habol pa po ba xa sa bahay na un,-
Unknown November 16, 2021 at 8:52 AM ✖ Ano po ba nkasulat sa contract 2 years bawal tubosin tpos tuloy2 lang or after 2years remata na? Pero if wla po contract delikado yan kasi wla kayo habol
-
-
Unknown September 26, 2021 at 8:08 PM Gusto ko na pong umalis sa nakuha ko sangla tira.. at ipalipat sa iba ang pag kasangla.. kaya lang ayaw ng may ari na pumayag.. umalis daw ako para mapaupahan nila ang yun ang ibabayad saken ng pautay utay.-
Unknown November 16, 2021 at 8:44 AM ✖ Basically kayo pa dn may rights jan so paupahan niyo na lang atleast may interes kayo every month. Wag kayo ppayag na sila makikinabang sa rent
-